Sawa ka na ba sa kaliwa't kanang dami ng tao?
Sawa ka na ba sa paulit-ulit na bukambibig ng taong bayan?
Kung ang sagot mo ay oo, tamang blog site ang pinuntahan mo!
Magandang araw Pilipinas! Alam mo ba na ang Pilipinas ay isang arkipelago kung saan ang mga pulo ay napapalibutan ng tubig? Dahil dito, maraming turista mula sa iba't ibang panig ng daigdig ang dumadayo rito lalo na sa tuwing panahon ng tag-init. Ngunit, alam mo rin ba na sa dinadami ng mga pulo at mga resort na pwede mong mabisita ay mayrooon pang mga lugar na hindi napupuntahan at nabibisita ng maraming tao?
Isa na dito ang Virgin Island na matatagpuan sa Lapu-Lapu City, Cebu. Ito ay tinaguriang Virgin Island sapagkat walang naninirahan dito at hindi rin masyadong binibisita ng mga turista. Sa panahon ng pagtaas ng tubig, ang pulong ito ay lumulubog at ang tanging nakikita lamang ay ang mga puno sa gitna nito. Tunay na napakaganda ng pulong ito sapagkat kapag bumababa na ang katubigan, kitang-kita mo ang ganda ng puting buhangin. sa pulong ito ay marami kang makikitang mga hayop na mula sa karagatan. Isa na rito ang shells, starfish at iba pa. May mga Boholano rin na nagbebenta dito ng tinatawag nilang "swaki" na hindi pa natitikman ng marami at madalas na nahahanap sa mga high end na Japanese Restaurant. Ang Virgin Island ay hindi masyadong napupuntahan kaya siguradong pagpunta mo rito ay kaunti lamang ang mga tao rito. Mas magandang magpunta rito sa mga panahong mataas ang tubig dahil ito ay mahirap marating kapag mababa ang tubig. May mga halamang dagat kasi sa pantalan na nagiging dahilan ng pagkasira ng makina ng ibang bangka. Ito ay magandang puntahan lalo na kung gusto mong magrelax at magpahinga.
![]() |
sea urchins o "swaki" |
![]() |
Starfish |
Paano makapunta dito?
Kung ikaw ay taga Tagbilaran CIty, sasakay ka lamang ng jeep papuntang Panglao o hindi kaya'y magsabi sa habal-habal (inarkilang motorcycle) na dalhin ka sa Panglao Beach. Makipag-usap muna ng maayos sa driver sapagkat may mga pagkakataon na naniningil sila ng malaki lalo na sa mga turistang galing pa sa ibang bansa. Pagkarating sa Panglao Beach, makipag-usap sa mga taong may bangka na dalhin ka sa Virgin Island. Ang bayad sa buong sakay ay umaabot ng P400 hanggang P1000 pesos.
Kung ikaw naman ay nanggaling pa sa malalayong lugar, magbook ka sa isang hotel at magkaroon kayo ng island hoping sa Bohol. Para sa karagdagang impormasyon, magpunta sa link na ito: https://www.tripadvisor.com.ph/AttractionProductDetail?product=42773P16&d=1756253&aidSuffix=tvrm&partner=Viator
Members: (Grade 11 Tech-Voc)
Emmanuel Ponciano
Neslen Joy Bodo
Corinne Garcia
Paula Mae Ruetas
Glydel Sacupon
Alexandra Kim Santiago